Mama at Papa ko. |
my sister and her boyfriend |
Nag-simula po akong pumasok noong ako po ay anim na taong gulang. Ako po ay pumasok nang day care sa Del Remedio Day Care Center.Ang aking pong guro doon ay si Mrs.Decano.Habang ako po ay nasa day care ako po ay sumali sa patimpalak na "Ms.Del Remedio", sa Liceo. Hindi man po ako nanalo, masaya pa rin ako dahil nag-karoon ako ng pag-kakataong makasali sa patimpalak na ito. Nang ako naman po ay gagraduate na masaya po ako dahil nagkaron po ako ng parangal sa (best in behavior at napasama po ako sa honor.
Noon naman pong mag-gegrade one na ako. Gusto po sana ng mama ko na sa Cental school ako pumasok ngunit ayaw naman po akong tanggapin kasi daw po hindi ako dun nag- Day Care. At taga Del Remedio daw po ako, kahit na tulungan kami ng bestfriend na teacher sa central ni mama, hindi parin po ako tinanggap doon kaya sa Del Remedio Elemantary School nalang po ako pumasok. Doon po ang naging adviser ko ay si mam Dojenias. Ngunit hindi din po ito nag-tagal kasi po kailangan nang mag-retired. Madami pong dumating na mga teacher sa amin si mam Lot, sinundan ni mam Derequito sila po ay hindi nag-tagal at sa wakas po. Sumunod na teacher ay si Mrs.Rita Belen sya na po ang naging teacher namin hanggang matapos ang taon.
Nang naging grade 2 po ako ang naging adviser ko po ay si Mrs.Juliet Alcantara.Sinundan po iyon ni Mrs.Dazo noong ako ay grade 3, habang ako po ay grade3.Ako po ay nag first communion pagkatapos ng taong iyon ako po ay grade 4 na ang adviser ko po ayu si Mrs.Nery habang ako po ay grade 4.Madami po akong naging kaibigan pero ganun pa man ang bestfriend ko po ay si Baldwin. Tuwing wala po kaming klase at walang ginagawa nag-lalaro po kaming mag-kakaibigan nabili kami ng mga pagkain tapos naglalaro kami ng bahay-bahayan pinag-didikit po namin ang mga upuan upang maging bahay kunwari. Para na kaming tunay na magkapatid ni Baldwin, nakakalungkot kasi noon pong grade 5 hindi na kami magkakaklase ang adviser ko po ay si Mrs.Contretas at ang kanya naman ay si Mrs.Cornista. Nagkatampuhan kami noon kasi akala ko kinalimutan na niya ako at iba na ang bestfriend niya, ganun din naman pala akala niya. Buti nalang nagkaron kami ng pagkakataon makapag-usap at iyon nalaman namin na kami lang talaga ang mag-bestfriend at sa wakas noong grade 6 kahit na nalate ako sa enrollment dahil wala pa kaming pera at wala pa akong mga gamit ng pumasok ako. Nalaman kong magkaklase na ulit kami ni Baldwin , adviser namin si Mrs.Rodora Ramirez. Habang ako ay grade 6 inamin ni Baldwin na crush niya ako at iyon ok lang close naman kami eh. Noon din ang crush ko po talaga ay si Rollen, inamin din naman ni Rollen na crush niya ako eh kakilig =) hehe. Noong mag-gagraduation na po magkahalong saya at lungkot. Masaya po kasi pasa at malungkot po kasi magkakahiwalay na kaming mag-kakaibigan dahil malungkot po sa tuwing maalala ang mga masasayang sandali na magkakasama kami at nagtatawanan. Noon nga pong araw ng graduation si mama poay kasama ko habang nag-uumpisa ang graduation nagngingiyak po kami kasi parang iyon na ang magiging last na pag-kikita na namin iyon. Pagkatapos po ng graduation nag-paalam na kami sa isat-isa nag-kaiyakan na nga po kami eh.
Noong maghahighschool na po ako ang gusto nila mama at papa ay sa LSPU daw ako pumasok kasi daw po doon nagtapos mga ate ko at kuya ko eh ayaw ko naman po doon kaya dito na po ako pumasok sa Dizon High , noon nga pong pag-eenroll palang ayaw na po akong tanggapin kasi po galing daw akong Del Remedio. Buti nalang po si kuya Jun-Jun kasama ko nakiusap po sya sa principal na kung pwede tanggapin na akong pwedeng tanggapin na ako kung hindi po ako tinanggap sa Dizon High sa ANEX 4 po ang bagsak ko eh niyugan naman po kasi doon kaya ayaw ko , sabi po ng mga pinsan ko wag akong papasok doon.
Noong pasukan na po ng 1st year ang kasama ko po ay ang kababata kong si Jessica Mahilom kasi po magkaklase; doon po sa section na iyon madami po akong kamag aral na kamag aral ko din noon elementary,masaya po kasi marami na akong mga kakilala.Noong 1st year ko po unang sumali sa Scie-camp ang saya po ang daming activities tas nung umaga po naghiking kami sa malabanban,1500 steps po iyon habang umaakyat ng bundok may dala po kaming halaman itatanim po namin, madami pong tinatanim na mga puno doon dahil "Water Shed" po iyon ng buong San Pablo.Habang ako po ay 1st year sa taong iyon hindi po masaya ang pasko namin kasi po December 23,2007 namatay po ang ate Mylene ko kaya po wala kaming pasko,Si ate Mylene po ang pinakamabait sakin puno ng pangaral tuwing bakasyon o pag walang pasok andun po ako sa kanila pinagbabantay po ako ng tindahan tapos binigiyan nya ako ng pera lahat nga po ng gamit ko noong 1st year ay galing sa kanyan eh.Pinangako ko po sa kanya na kahit di ako matalino pipilitin kong makatapos ng pagaaral.Noong naman pong 2nd year tumaas po ang section ko naging 2-F si Mrs, Delos Angeles ang naging adviser ko habang ako po ay 2nd year.Madami po ako naging bestfriend sina Vhera Alamag,Menchie Regachuelo,Relsie Elisa Villapando,Ella Mae Cuello,Babylyn Perez at Ivy Victorino,nag buo po kami ng pangalan ng tropa ang nabuo po namin ay "VHESOUMENREELBABY" pinagsamasama po iyong mga pangalan namin.
Noong namang pong 3rd year ganun parin po ang section namin ang adviser po namin ay si Mrs,Deomano kaso meron po saming tropa ang nalipat ng section,Si Ella po ay naging 3-C,Si Relsie naman po ang naging 3-H kami nalang po nina Menchie,Ivy,Babylyn at Vhera ang natirang magkaklase ganun pa man po kahit yung iba po ay 3rd year nakasali po kami sa Scie-camp ng sama-sama tapos sumali din po kami sa J.S prom naranasan po namin na kahit mapuyat ay masaya parin,enjoy ang naging 1st dance ko po noong ay si Emanuel Mansanero tapos ang last dance ko po ay si Peter Mae masaya po kahit masakit ang paa ko kasi po nakahigh hills,at sa panahong iyon na ako po ay 3rd year nakilala ko po si Analyn Tubigan ng 4-A siya po naging bestfriend ko narin tulad po ng tropa ko at open din po kami sa isat isa ni Analyn at nakabuo po kami ng pangalan na AIZELYN at yun po ang naging tawagan namin.
Ako at ang mga barkada ko |
Ngayon naman pong 4th year na ako ang section ko po ay 4-F ang aking pong adviser ay si Mrs,Katigbak ang natira nalang po sa tropa naming VHESOUMENREELBAVY ay ako si Mechie,Si Babylyn at si Vhera ganun pa man po nakakilala naman po kami ng iba pang kaibigan nanjan na po sina Michelle,Cristina,Princess,Kim,Margean,Jhona,Darylle,Nery Vic pero kahit na nagkaroon po kami ng mga bagong kaibigan hindi parin po naming makakalimutan ang mga kaibigan namin noon tulad parin ng dati ang mga bonding pero ngaun madami na kami kasi madami ng dumagdag.Minsan pag nagkakayayaan sa bahay bahay.Ang sarap po pala maging 4th year ang daming activities nanjan po ung cheerdance na kahit di kami nanalo atleast po ginawa namin ung best namin.Sa mini olympics cooperate lahat para kahit papaano makapanalo ung isang laro nga po yung soccer kahit na ulan lumaban kami ininjoy po namin kada laro.Yung concert sama sama po kami.At ngayon malapit ng gumraduate.
Mga friends ko. |
Always T.C :))
Ako Souzette. |