Tuesday, February 22, 2011

Ang Talambuhay ni Menchie Regachuelo

Ako at ang aking pamilya
       Ako si Menchie Luces Regachuelo ipinanganak noong Feb, 26 1994 sa Probinsya ng Albay. Ika apat sa pitong mag-kakapatid. May angking kabaitan, matulungin, matalino,mapagmahal at higit sa lahat palakaibigan. Ang aking mga magulang ay sina Domingga Regachuelo, Jose Rebamba Regachuelo Jr. ang hanap buhay ng aking ina ay beautician at ang aking ama naman ay karpintero. Pareho lamang silang nagtatrabaho para maiahon kami sa kahirapan dahil pito kaming mag kakapatid. Ayon ay sina Michelle, John Micheal,  Jaymart, Jayrald, Mary Ann at ang pinaka bunso naming kapatid na si  Buenaventura Regachuelo pero kahit marami kami hindi kami nakaranas ng kagipitan dahil andyan ang aking pinaka mamahal na mga magulang na sumusuporta sa amin.


            Nang akoy 3yr old na ay gustong gusto kunang mag aral kaso sabi ng aking ina ay sa isang taon na sapagkat masyado pa akong bata. Pero dahil nga bata pa ako palagi kung pinipilit ang nanay ko na gusto ko nang mag-aral at pumasok sa paaralan.

            At nang dumating na ang araw na iyon ng ako ay apat na taong gulang na ay nag aral na ako ng kinder sa Day Care Center. Dito na ko natutong sumulat at bumilang at marami pa akong mga kalarong ibang bata.
           


            Nang akoy grade one pumasok ako sa Sofronio B. Garcia Elementary School hanggang grade six. Noong grade 2 ako ay di ko inaasahang maaksidente ako ng ako ay natuklaw ng ahas sa kanang daliri ng aking paa dahil alas siete na ng gabi ay nag lalaro pa kami ng aking mga pinsan nang tagu-taguan  pero mabilis din iyong nalunasan.

             At nang ako ay nasa grade 4 na unti unti na akong nag babago dahil hindi na ako nakikipag laro sa maliliit na bata at dito ako ay nakaranas nang bulutong kaya lagi lang akong nasa loob ng bahay dahil bawal daw akong lumabas ng  bahay sabi ng nanay ko at lagi din akong nakabalot dahil bawal daw itong mahanginan baka daw kasi lalong dumami at marami pang ipinag babawal. Pag ka lipas nang ilang linggo ay gumaling na ako ayo nga lang marami akong peklat alaala ng aking bulutong.

             Nang ako ay grade six ay lalo pa akong nag buti ng pag aaral dahil nais kong makasama sa graduation. Bago ako nag graduate ay sa lola ko ako nakatira sa pagkat ang mga magulang at mga kapatid ko ay nasa san Pablo kaya ang aking tiyahin na lamang ang nag hatid sa akin.

ako kasama ang aking mga kaklase
            Pag katapos ng aking graduation mga dalawang lingo palamang ay hindi ko inaasahang uuwi si papa upang kaunin ako dahil sa San Pablo na daw ako mag aaral na high school nalulungkot man ako dahil iiwan kuna ang aking lola masaya na rin ako at makakasama kuna ang aking pamilya.

            Kaya ngayon ditto na ako nakatira sa San Pablo City sa Brgy. City Subd. Quirino St. Pero hindi muna ako nag aral pinatapos muna ng mga magulang ko ang isa kong kapatid na collage dahil kulang na ang aming budget at pag ka tapos ng kuya ko ay saka palang ako mag aaal ng 1st yr high school.
            Nag aral na ako ng 1st yr. sa paaralan Dizon High. Dito na ako nag simula na mag aral sa High School na marami na naman akong mga nakilalang bagong kaibigan. Nakilala nila ako sa pagiging mabait, mahinhin, mahiyain, at isa pa dun ay mabuting kaibigan. Marami na rin akong natutunang mga magagandang pag-uugali.

            Nang 2nd yr na ako ay nakakalungkot mang isipin ay di kuna nagging kaklase ang mga kaibigan ko. Pero meron din akong mga dating kaklase na kaklase ko ulit ayun nga lang di ko masyadong ka close. Hangga sa tumaga ay lagi na kaming mag kakasama hanggang sa dumami na kami at nabuo ang tropa ng “vhesoumenkeelbavy” ayo ay sina  vhera sousette ako relsie ella babalyn at ivy. Lagi kaming masaya pero minsan may tampuhan din. Mag kakasakami pag napunta ng lake kapag wala kameng klase nag iihaw at nag ba bike kame iikutin ang buong lake.lalo na tuwing dadating ang araw ng 17 dahil friendsary naming yun.

Ang aking mga kaibigan
            Nang ako ay 3rd yr na lumipat na kami ng tirahan ngayon ay nakatira na kami sa San Ignacio SPC. Pero mas gusto ko pa dun sa dati naming tirahan dahil hindi ako nahiirapang pumasok  sa eskwelahan. Doon mura lang ang pamasahe pwede din na lakadin kasi malapit lang. sa mantalang ngayon nasa san ig nacio na kami ay napaka mahal na pamsahe dahil dalawang sakay pa. pero ayos na rin yun wala na akong magagawa.

            Pinag buti ko pa lalo ang pag aaral daahil ayokong maiwan ako ng mga kaibigan ko. Hindi ako nakasama sa deliberate.

Kami noong mini-olympics
            At ngayong 4th yr na ako hindi na kumpleto an gaming gropo sila relsie at ella ay napahiwalay na sa amin. Kya ngayon apat nalang kaming mag kakasma. Pero ok lang may iba naman kami ngayong mga kasama at yun ang bgo naming mga kaibigan. Pero sana sabay sabay kaming makatapos kasi sabay sabay kaming pumasok.

            Sa ngayon iniisip ko parin ang aking kukuhaning kurso. Pinag pipilian ko pain ang IT o HRM. Malapit na ang graduation pero hindi muna ako papasok mag ta trabaho muna ako pa magkapera.


 Dito na po nagtatapos ang aking maibabahaging talambuhay...
   Salamat po sa pagbabasa. God bless to all.

Monday, February 21, 2011

Ang Talambuhay ni Fernan V. Piolino

                             ANG AKING TALAMBUHAY


           Ako si Fernan V Piolino ako ay anak ng mag-asawang Gloria at Herminigildo Piolino dati kaming naninirahan sa Legaspi Albay sa Bicol at doon ako ipinanganak,noong june 22 1994 ang aking tatay ay dating nagtuturo ng karate sa Bicol pero dahil na rin sa katandaan tumigil na lang siya at lumipat nga kami ditto sa San Pablo ang aking nanay ay naglalabandera at ang aking tatay naman ay isang tricycle driver.Ako ay bunso sa labing-isang magkakapatid pero lahat sila ay aking kasundo pero minsan hindi maiiwasan ang tamapuhan naming mag kakapatid  hindi kasi masyadong masipag ang aking tatay kaya kami maunti pero kahit ganun ang aking tatay ay isang mabuting ama sa amin at siya ay walang bisyo kundi ang magmahal pero ang aking mga kapatid ay lasinggero ang sabi nalang ng tatay ko baka mamana ng aking mga kapatid ang pag-iinom sa aking lolo,dahil ang aking lolo ay namatay dahil lang sa alak dahil inaraw-araw niya ang pag-inom at hindi pa nakakakain ng tama.yun ang sabi ng aking tatay.
            Noong ako ay anim na taong gulang ako ay napasok na sa ika-unang baitang sa Placido Escudero Elementary School ako ay puro laro non pero hindi nagpapabaya sa pag-aaral ko.Noong nagkaroon ng kamping sa school ako ay sumama at doon natulog nagkawalaan pa nga ng unan dahil puro salaw ang aking kasama dahil mga bata pa naman kami non,puro laro at asaran ang ginawa buong gabi,at nong umaga na puyat kasabay ang pagkain ng umagahan,at pagkauwi ko ng bahay diretso tulog.Marami akong naging karanasan at naging kaibigan sa buhay ko sa elementarya at sila ay hindi ko makakalimutan kahit na ang aking mga kaaway pero hanggan huli ay kaibigan ko narin.
             Kami ay nagpaparactice na ng graduation sa elementarya ako ay kinakabahan ewan ko kung bakit basta kabado lang ako,nakakalungkot dahil maiiwanan ko ang aking mga naging kaibigan at na ka close ko pero ayos dahil nakikita ko pa naman sila at noong graduation na nga halos lahat ng mga kaklase naming babae at binabae ay napaiyak habang kumakanta ng glowing of love habang inaabot sa amin ang diploma ako ay tuwang-tuwa dahil sa highschool madadagdagan na ang aking baon at sa wakas makakapag highschool na YES!!!
             Noong ako ay nagpapaenrol na sa paaralan ng CLDDMNHS nalungkot ako dahil hindi na nila ako tinanggap dahil masyado na raw siksikan at puno na raw kaya tumigil muna kami ng aking kapatid na babae,ako ay walang ginawakundi tambay lang noong ako ay tumigil sa pag-aaral pero noong kaming dalawa ay nakapasok na at siya ay nasa ika-dalawang taon sa highschool at ako ay nasa ika-unang taon sa highschool Masaya rin ang aking naging laranasan noong 1st year ako kaso masyado lang akong nawili sa pagcocomputer kaya laging ubos an gang aking pera at kasama narin doon ang pagbibike sa lake kasama ang aking mga kaibigan basta yaya ng aking mga kaibigan agad akong nasama sa kanila kahit nakakapag-cutting na ako ng aking mga kaklase minsan nalaman ito ng aking mga magulang at sinabi sa akin na pag raw ako ay bumagsak hindi na raw nila ako pag-aaralin at ang sabi pa nila yun lang raw ang maipapamana nila sa akin ang karunungan sa pag aaral dahil hindi naman kami mayaman kaya pinagbuti ko nalang pero hindi maiiwasan na mag-cutting dahil sa mga kaibigan.
               Noong nagbabakasyon madalas akong wala sa bahay kami ay nagswimming ng aking mga kaibigan kaya madalas din akong napapagalitan,dahil umuuwi akong basa kaya minsan din ako laging may sakit pero ayos lang dahil andyan naman ang aking nanay na nag-aalaga sa akin.Hindi niya ako pinababayaan.Summer din noon nung muntik na kaming malunod na magkakaibigan dahil napatalon yung isa naming kasama hindi naman pala masyadong marunong lumangoy kaya nagpanik kami at napatalon kami sa tubig para iligtas ito kaso lang nahila kami at hindi makalangoy buti nalang at umabot kami sa dulo at nakaligtas at buti nalang walang namatay sa amin
                Ako ay naging 2nd year na meron mga bagong kaklase pero mas madame ang dati kong kaklasenoong ako ay 1st year pa lamang kaya hindi rin napigilan ang pagpunta sa lake at pagcocomputer at ngayong 2nd year,ako ay merong napupusuan kung baga crush lang pero hindi ko niligawan hanggang tingin at sulyap lang ako sa kanya pero nalaman nya kaya parang nahihiya na rin sya at nahuhuli nya ako minsan na tumitingin sa kanya kaya hilig naman ako kahit papaano kaso tumigil siya at hindi na pumasok dahil siguro sa problema sa pamilya kaya bilik pag-aaral nalang ako at palagi parin akong napapagalitan ngayon kasi ginagabi ako ng uwi dahil sa paglalaro ng online games,ang palusot ko nalang sa kanila ay may ginawang project o kaya takdang aralin kaya pinapabayaan nalang nila ako  at nang naging 3rd year naman ako natuto akong uminom dahil rin ito sa aking mga kabarkada akala ko kakain lang kami sa isang pagdiriwang yun pala may kasama na itong inuman kaya hindi na ako nakatanggi buti nalang at hindi ako nahalata ng aking mga magulang dahil pagkadating ko sa bahay ay agad akong natulog hindi na ako kumain nagtaka ang aking nana yang sabi ko nalang sa kanya ana kumain na ako kahit hindi pa pero kahit naganon hindi ako hindi ko pinabayaan ang aking pag-aaralkaya hindi narin ako nagsasama sa aking mga kaibigan na ngayon ay tumigil na sa pag-aaral dahil siguro nalaman ng kanilang mga magulang na hindi na sila napasok sa paaralan at nagbubulakbol lamang
My truly friends
ang aking mga kaibigan na walang kupas
                At ngayon ngang naging 4th year na ako lalong tuwa ang aking naramdaman  dahil konting panahon nalang at makakapagtapos na ako ng highschool pero malungkot din dahil ang iba kong kaklase noong elementarya ay college na at ako nalang ang naiwan dito sa highschool parang nakakainggit sila pag nakikita ko dahil dapat kasabayan ko lamang sila pero ayos lang naman dahil naging mataas naman ang aking seksyon.
"picture sa computer shop"

"my elementary classmate"
"fearless 4-f 2011..show time"
Sana kaming lahat ay makapagtapos upang makapag aral na sa college at makaranas ng college life.!





Friday, February 18, 2011

Ang Talambuhay ni Mika Joice Recio


eto yung mga oras na wala akong magawa.
 
          Ako si Mika Joice H. Recio, isinilang sa Brgy. Dulong Bayan San Pablo City, noong nobyembre 29, 1994. Bunga ako ng mabuti at masayang pag-iibigan ng magkabiyak na si Joel Natividad Recio at si Jocelyn Estillet Hardillo.
         Ang aking mga magulang ay parehong tubo ng San Pablo City Laguna. Ang aking butihinh ina ay nagtatrabaho sa isang pabrika ng Frankling Baker kung saan siya ay ngtitiyagang magtalop ng niyog sa loob ng walong oras at ang aking ama naman ay isang jeepney driver kung saan siya ay nagsusumikap na maitawid kami sa gutom.
         Ang kanilang pagsasama ng aking mga magulang ay nagbunga ng dalawang anak ako at ang aking nakatatandang kapatid na si Mike Iris Recio. Ayon sa kwento ng aking ina noong ako ay nasa sinapupunan pa lamang niya ay hilig niya ang kumain ng mga prutas ng sag anon ay maayos at malusog akong mailabas. Nang sumapit na ang araw ng aking kapanganakan ang aking magulang at nakatatandang kapatid ay masayang masaya sa kinahinatnan malusog at magandang paslit ang nailuwal ng aking ina.
eto nung kinder pa ako.
        Habang lumilipas ang mga araw at panahon ako ay unti unting nagkakaisip. Ang aking ina ang aking unang naging guro, siya ang nagturo kuna paano ang sumulat at bumasa ng  maayos at tama. Hanggang sa sumapit na ang araw ng pagpasok ko ng kinder sa edad na limang taon sa aming baranggay kung saan libreng mag-aral ang mga batang limang taon hanggang walong taon ang edad.
       Marami na akong natutunan noon at kung pano makipagkaibigan sa mga tamang tao at dumating na ang araw na pagtatapos ng kinder ginanap yun sa paaralan ng Liceo de san Pablo noong taong 2000. 
At ako ay elementary sa mababang paaralan ng Fule Almeda Elementary school.
         Malapit lamang sa aming baranggay ang paaralang pinasukan ko. Sa paaralang iyon marami nagbago sa aking buhay nakakilala ako ng mga kaibigan ko at natuto akong makisalamuha sa aking mga kamag-aral. Noong ako ay nasa unang baitang ako ay takot na takot sa aking unang pagpasok ng silid aralan.
         Dahil unang tingin ko palang don sa aking guro ay mukha ng mataray at masungit, pero mali pala ang aking pag-aakala sa kanya. Ang aming guro pala non ay mabait sa mga batang mabait sa kanya at masungit sa mga batang makulet.
         Noong narinig ko yun mula sa aming guro ako ay hindi nag-alinlangan na pumasok dahil alam ko naman na akoa ay mabait na bata kaya walang dapat ikabahala.
         At noong ako ay nasa ikalawang baiting ng aking pag-aaral sa elementary ako ay nagdalawang isip kung doon padin ako papasok sa paaralang Fule Almeda sa kadahilanan na maraming nakakapagsabi sa akin na higit na mas mataray ang guro sa ikalawang baiting, nais ko sanang magpalipat sa paaralan ng bagong bayan nginit hindi sumangayon ang aking mama dahil malayo daw ang paaralan na iyon sa aming tahanan.
        Kaya nasunod padin ang kagustuhan ni mama na sa paaralan na gusto niya ako papasukin wala akong nagawa kaya si mama padin ang nasunod. Walang nagbago sa aking mga kaklase kung sinong kamag-aral ko nung ako ay nasa ikaunang baiting.
ako at ang kuya ko bata pa kami.
       Ayon padin sa ikalawang baiting walang nadagdag at wala din ang kulang. Hinding hindi ko malilimutan na lagi akong nahuhuli sa pag uwi dahil lagi akong nahuhuli sa pagsusulat ng mga pinapasulat ng aming guro at angkaroon din naman ako ng maraming kaibigan dahil di naman ako mahirap pakisamahan. 
ako at ang mga pinsan ko
       Ang aking kamag-aral at ako ay nagkamit ng Fifth honor nung kaya ang saya saya  nina mama kaso non kala ko pa naman medal na pero ayos nadin kaysa naman wala. At nung ako ay nasa ikatlong baiting na mas marami na mas marami na akong nakilala at may crush na din ako at nag-aayos na ako ng aking sarili pero hindi ako kire mas gusto ko lang kasi na maging maayos malinis at maganda sa harap ng aking crush.
       At meron nadin akong naging mga kaibigan sa mga kamag-aral na don din napasok sa aking pinapasukan. Napakasaya ko non dahil mas higit na marami akong kakilala tuwing awasan na kami ay laging nagkikita kita sa labas n gaming paaralan para maglaro ng patintero. 
ako at si kaizzle.

       Kasi malawak yung labas n gaming paaralan at kalsada may guhit na nang pang patintero kaya kami ay nasisiyahan na maglaro doon tuwing awasan. Sa edad na sampung taon ako ay hinikayat ng isang leader ng isang samahang El Shaddai na kung saan sila ay naghahanap ng magsasayaw upang mas higit na makilala ang Panginoon Diyos.
       Pinag-isipan kung mabuti kung ako ay makikilahok sa samahang iyon pero napag-isip isip ko na wala naman mawawala saken kung ako ay sumali. Pero di nagtagal sumali na nga ako at mas marami na akong nakilalang mga iba’t ibang estado ng buhay at iba’t ibang pag uugali ng mga batang aking nakilala pero di nagtagal na pahinto ako sa pagsasayaw dahil malapit na ang pasukan.
      Ako ay nasa ikaapat na baiting ng elementary dito nagsimula at nagpapatuloy ang pagbabago ng aking buhay maraming masayang naganap na hinding hindi ko malilimutan.
      At noong ako ay nasa ika-anim na baiting na marami na akong pinabago sa aking pagkatao, sa aking pag-uugali at sa aking personalidad.
barkada ko.

        Marami akong higit na kaibigan dahil sabi nila maganda at magaling daw akong makisama at makihalubilo sa lahat ng bagay, mas naintindihan ko na ang tama sa mali at nang dumating ang pagtatapos ng elementary lahat kami masaya na may halong lungkot dahil magkakkahiwalay na kami ng aking mga kaibigan.
        Masaya sa dahilang nakatapos na kami maraming alaala ang hindi ko malilimutan ng ako ay nasa elementary pala mga pangyayari na nakatatak na sa aking  isipan. Pangyayaring nagturo ng tama at nagpasaya sa aking buhay nung ako ay elementary pa lamang.
best of the best.

bestfriend ko at ako
          Sa paaralang Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School naman ako nagsekondarya nung unang punta ko sa paaralan nay un ako ay manghang mangha dahil sa lawak at ganda ng Dizon High walang wala sa paaralang pinasukan ko ng elementary.
          Unang una na pasok ko ay hiyang hiya ako dahil wala pa akong kakilala kahit isa don pero habang lumilipas ang mga araw unti unti ko nakakaclose ang aking mga kapwa kamag-aral at nagkaroon ako ng mga kaibigan at nagsumikap kaming lahat na makapagtapos ng 1st year High school at hanggang mag 2nd year na kami mas marami na akong naging kaibigan at mas maraming karanasan na magaganda ang nangyari.
           Maraming kaibigan ang nagpasaya bawat araw masaya bawat araw puno ng ngiti at tawa. Ang aking nararamdaman ang aking mga kabarkada ang aking naging pangalawang pamilya at marami ring karanasan ang nangyari sa 2nd year andun yung naguidance kami dahil sa mga kalokohan na aming ginagawa.
          At noong ako naman ay nasa 3rd year na nabauo ang barkada naming partypipz lahat magkakasundo, walang away, walang gulo lagi kaming masaya at hindi pa seryoso sa aming pag-aaral nag-eenjoy kami sa aming mga ginagawa at may araw na lahat kami nag-uusap usap para hindi umatend sa klase para magcutting at pupunta lang kami sa bundok ng san mateo iyon an gaming libangan sobrang saya. Pero pagpasok namin kinabukasan galit nag alit an gaming mga guro.
          Mga pasaway daw kami kaya kami daw ay paghihiwalay hiwalayin pagdating ng 4th year at nangyari nga ang sinabi n gaming guro, kami ay pinaghiwahiwalay halos lahat n gaming kabarkada watak watak may 4-D, 4-G, 4-E pero hindi padin natapos an gaming samahan tuwing awasan na lagi padin kaming nagkikita kita at nagsasaya sa oval.
         Hanggang sa nadagdagan kami ng isa si TRISHA MAY DE GUZMAN binago niya kaming lahat napaka buti niya nang dahil sa kanya nagpakatino ang lahat at naging bestfriend ko siya napakasaya ko talaga at dito nalang nagtatapos ang aking talambuhay.
BESTFRIEND ko to.
 

Ang Talambuhay ni Trisha May De Guzman

 

eto yung unang pasok ko sa dizon high
eto ako ngayon.
           Ako si Trisha May Estacio De Guzman. Pinanganak ako noong May 19, 1993 sabi ng mga magulang ko pinanganak ako ng  katanghaliang tapat habang nagluluto ng tanghalian ang aking ina biglang sumakit ang kanyang tiyan. Kaya ng makita siya ng aking ama ay agad daw itong itinakbo sa hospital.
          Lima kaming magkakapatid at sa aming lima sakin daw nahirapan manganak ang aking ina dahil masyado daw akong malaki. Sa kwento ng mga magulang ko ng magi sang taon mahigit na raw ako at nagsimula ng tubuan ng ngipin ay nagging hobby ko na daw ata ang pangangagat. 
          Basta daw my mapadikit saking balat o ano mang bagay ay agad ko daw ito kakagatin at hindi lang daw basta kagat dahil kapag ako daw ay nangangagat ay talagang madiin. (hehe) Pero kahit ganon kinatuwaan daw ako nung bata ako dahil masyado daw akong bibo.
         Nang ako ay magpitong taon na ay tumira muna ako sa mga lola at tita ko sa ama. Aaminin ko na kahit bata pa ako noon ay madami akong naalala na nangyari sa akin habang nakatira ko sa kanila. Hindi man masyadong naging maganda ang trato nila sa akin minsan ay hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kanila. 
         Aaminin ko na minsan ay nasasaktan at sumasama din ang loob ko sa kanila pero mas pinipili ko padin na huwag nalang na tumahimik at huwag magsalita. Hindi naging madali ang buhay ko habang lumalaki ako. Dahil ang buhay namin ay paiba iba.
         Kung baga tataas yung estado namin sa buhay tapos biglang bababa, tapos tataas ulit tapos bababa. Mahirap mag-adjust pero ako at ang pamilya ko ay hindi sumusuko kahit na pabago bago ang buhay namin. Naranasan ko ng maghirap gaya ng minsan kahit baon ko di alam kung san kukuhanin, kahit anong pagkain ay walang makin dahil walang pambili.
        Dumating din yung time na baon na baon na kami sa utang napakahirap kasi bukod sa baon na kami sa utang noon ay muntik pang maghiwalay ang magulang ko dahil sa sobrang hirap at kakaaway nila. Thanks God kasi hindi niya pinabayaan na masira ang pamilya ko.
         Pinalaki kami ng magulang namin na marunong tumayo sa sariling mga paa namin, hindi kami pinalaki ng maarte at maselan sa bagay bagay. Paglipas ng ilang buwan or taon ng sa mga magulang ko na ulit ako nakatira ay hindi na kami napirme sa isang bahay.
         Lagi kaming palipat lipat, wala pa atang isang taon ay lilipat na naman kami. Mahirap para sa akin iyon, sa paglipat namin ng bahay at lugar pati ang eskwelahan ko ay paiba iba din taon taon buong elementary ko. Pero kahit ganon iniintindi ko nalang.
         Dumating yung time na umangat ulit ang aming buhay 2004 yun sa tulong ng pamilya lalo na ng lola ko sa America. Binigyan niya kami ng malaking pera upang bumili ng sariling bahay at lupa namin. Pati narin binigyan niya kami ng malaking puhunan para makapagtayo ng negosyo.
          Nagkaroon naman kami ng negosyo tulad ng Resort, Restaurant, Piggery, poultry, fish pond at nagkaroon din kami ng bahagi ng isla na kung saan meron din kaming mga fish pond doon. Mga tilapia, bangus at hipon. Naging masagangang masagana an gaming buhay noon, lahat ng luho namin ay nasusunod at nabibili.
         Pero tama nga sila lahat ng sobra ay masama. Isang araw lahat ng pera ay inivest ang aking ama sa fingerlings sa pagpifishpond at nangutang siya ng maraming feeds. Dapat sana kinabukasan ay idedeliver na ang mga isda pero hindi nakontento ang aking ama isang pa raw ang palipasin para mas lumaki ang mga isda. 
        Ang hindi nya alam yun ang isang malaking maling desisyon na nagawa niya. Dahil kinabukasan dumating ang bagyong “MILENYO” na nagwasak ng mga net na pinagkukulungan ng mga  isda at nakawala ito lahat. Lahat ng sinugal na pera ng aking ama ay nawala ng parang bula at nalubog kami sa utang. 
        Kaya lahat ng kabuhayan namin ay sinasara at nawala na. Ang natitira nalang na kabuhayan namin ngayon ay ang resort.  Dahil sa mga nangyaring iyon sa amin madami akong natutunan at narealize, dapat makuntento ka sa kung anong meron ka.
        Huwag ka na maghahangad ng higit pa. At dapat huwag aabusuhin ang ano mang yaman na ibibigay sayo. Matitinding pagsubok nanaman ang napagdaan ko at ng aking pamilya pero hindi yun ang dahilan para sumuko kami.
        Pinilit naming maging matatag at labanan ang mga pagsubok ng magkakasama. Hindi man kami mayaman ngayon tulad ng dati ang mahalaga sama sama pa din kami. At pinapangako ko sa sarili ko na magtatapos ako at magsusumikap upang ibangon ulit ang aming kabuhayan. 
        Gusto ko na dumating yung time na ako naman magsisilbi at mag-aalaga sa aming mga magulang at bayaran ng pagmamahal, alaga lahat ng ginawa nila para sa akin at para sa amin. Gusto kong pagtanda nila ay pa relax relax nalang sila at gawin at bilin nalang nila ang ano mang gustuhin nila. 
       Magsusumikap ako mabuti. Para sa akin, sa pamilya ko at sa mga taong malapit sa akin. Hindi ako gagaya sa dalawang ate ko na maaga nag-asawa. Sabi ko nga sa kanila makatapos lang ako at makahanap ng magandang trabaho ay tutulungan ko sila. Hanggang kaya ko. (hehe)
        By the way, bata pa ako ay malapit na ako sa mga tao at kaibigan. Kahit na bagong kakilala ko palang makausap ko lang sandali ay nakakasundo ko na agad. Ako yung tipo ng tao na hindi mahirap pakisamahan, masayahin ako, malambing, mapagkakatiwalaan, mapagmahal, maalaga atbp. 
        Mas gusto ko na kilalanin muna ako bago husgahan kasi hindi naman ako masamang tao. Sabi ng nakararami mabait daw akong tao. Hindi man ako perpekto isa lang ang sinisigurado ko, kapag ako ay nagmahal at nagpahalaga ng sino mang tao lalo na kaibigan lahat ginagawa ko hanggang kaya ko, lahat ng kaya kong itulong ay ginagawa ko.
        Mapasaya lang yung mga taong malapit sa akin. Ako din pala yung tao ng sobrang haba ang pasensya, hanggang kaya ko intindihin ang bagay bagay o ang tao ay iintindihin ko. Kadalasan, kapag galit ako, naiinis, nasasaktan,  nagtatampo, masama ang loob ay tahimik lang ako. 
        Pero sabi nga nila walang taong hindi marunong magalit, sobrang bihira ako magalit o pumatol pero kapag talagang napuno ako at naramdaman kong inaabuso na ang kabaitan ko ay nag-iiba ako. Nagiging masama ako sa taong yun at lahat gagawin ko masaktan lang yun. 
        Pero minsan lang. Kadalasan ang kinagagalit ko lang naman ay kapag sinasaktan o dinadamay ang mga taong mahal ko lalo na ang pamilya ko. Ano pa ba masasabi ko sa sarili ko? Kapag masama ang pakiramdam ko madalas hindi ko ito sinasabi sa sino man tinitiis ko lang kahit minsan ay mahirap na kasi ayoko maging pabigat o may maapektuhang iba.
        Basta kinagawian ko ng di magsalita o piliting makisaya padin sa mga kasama ko kahit masama na pakiramdam ko. Inaamin ko na gaya ng ibang kabataan ay my mga kalokohan din ako tulad ng natuto akong uminom ng alak minsan nga sobra na.
        Pero noon yon kasi ngayon naumpog na ako nalaman kong mali pala iyon. Pero kahit minsan hindi ko sinubukang mag-drugs o manigarilyo. NEVER! Inaamin ko na mula bata palang ako ay medyo perwisyo na ako lalo na sa pamilya ko dahil talagang hikain ako.
        Pero ngayon naman na malaki na ako ay bihira na akong hikain kumpara dati. Isa pa pala na masasabi kong katangian ko ay kahit ganong kasama ang nagawa sa akin ng isang tao magpakita at mag sorry lang ito ay agad ako napapalambot.
       Ako yung tipo ng tao na malambot ang puso. Masasabi ko din na mayaman ako sa “KAIBIGAN” siguro kung ang kaibigan ay pera sigurado ako mayaman na ako ngayon. (hehe) Sadya na ata akong pinanganak ng malapit sa tao. Kasi mabilis talaga ako makakuha ng kaibigan.
        Halimbawa kahit hindi ko kakilala kahit pasahero lang na nakasakay ko at nakausap ay nagiging kaibigan ko agad. Madaldal kasi ako tsaka makulet kaya ayun mabilis ko makasundo ang karamihan. Basta mahirap i-explain ang masasabi ko lang masaya ako dahil ako ay ako.
        Madaming nagmamahal sa akin dahil ganto ako. Madami na akong tao na napagbago. (for better) Ano pa ba ang mga karanasan ko habang lumalaki? Ahh.. ayon ng bata pa lamang ako mahilig na ang pamilya ko sa pag alis at pagpunta kung saan saan kaya marami na akong lugar na napuntahan.
ako at ang mga kaibigan ko sa MCA
 Masasabi ko na ang  “HIGH SCHOOL LIFE” ang pinaka masayang parte ng buhay ko.
        Nung 1st  year high school ako sa st. Francis of asissi college ako pumasok, apat lang kami magkakaklase noon. Medyo nakakaboring kasi napaka konti pero ayos lang kahit paano naman ay naging masaya din ako. Nung 2nd year high school naman ako ay sa Trace college ako pumasok pero 2 months bago matapos ang pasukan ay nagdrop ako dahil nagkaroon ako ng medyo mabigat na karamdaman na humantong sa halos manganib na ang aking buhay. 
        Thanks God kasi binigyan niya pa ko ng chance mabuhay ulit. 1 ½ year akong natigil sa pag-aaral. Nang 15 years old na ako ay bumalik ako sa pag-aaral 2nd year high school ulit sa Maranatha. Christian school siya kaya halos lahat ng pumapasok don ay makadiyos at talagang ang pag-aaral ang priority.  
         3rd year high school sa Maranatha din ako pumasok. 3rd year high school dun ko naramdaman yun talagang kasiyahan ng high school life. Madami akong napagdaanan at kalokohan dun na siya namang nagpapasaya sa karamihan. 
ayan kami ni meriel. MASAYA! :D
        Akala ko noon sa Maranatha na rin ako gagraduate pero sa di inaasahang pagkakataon nagkaroon ang pamilya namin ng financial problem. Nang malaman kong magpa-public ako ay talagang umiyak ako kasi ayoko iwan yung mga taong malapit sa akin sa Maranatha ayoko talagang umalis pero wala akong nagawa kesa tumigil ako sa pag-aaral ay pumayag na ako na pumasok sa public school. 

ayan ang barkadahang masasaya


       Nung 4th year high school ako  sa Dizon High na ako pumasok sa San Pablo, City. Masakit sa akin nung una ang mga unang araw ng pagpasok ko sa eskwelahang iyon. 
       Kahit may mga taong nakipagkaibigan at nakipag-usap sa akin iba parin sa pakiramdaman. Hindi ako sanay, hindi naging madali ang pagpasok ko doon dahil nalaman ko na madami pala agad ang humusga sa akin kahit hindi pa ako nakikilala. 
ako at ang yhabz ko na si sara
       Akala ko kasi nung una ay ayos ang lahat pero di nagtagal nalaman ko na hindi pala. At sa unang pagkakataon sa school ay napaaway ako at humantong pa sa guidance. 
       Pero ayos lang dahil sa pangyayari na iyon ay naging matalik kong kaibigan yung na kaaway ko na yon c “JHAMILLE”, naging malapit sa akin at ngayon ay laging nasa tabi ko at hindi ako iniiwan. 
           Isa pang tao na di ko malilimutan at napalapit sa akin at napamahal na kahit kailan di din ako iniiwan at pinapabayaan kahit minsan di kami nagkakaintindihan ay si "SARAH ALMEDA" ang aking yhabz.. (hehe) Love na Love ko din yan eh.. Di ko inaasahan na magiging malapit at close kami kasi dati asaran lang kami nan tapos medyo naiinis pa ko dati kasi ang lakas mang asar. (hehe)
        Yun pala mabait naman. (ehem) basta mahalaga sa akin yan. At lahat ng naging part ng 4th year life ko ngayon the best! :) di ko malilimutan kahit madaming napagdaanan naging masaya naman ako dahil sa mga taong to. mica, jam, meriel, rhaya, lily, sarah, pepz, jowin, crisna, elaine, eunice, quibz, honey, jhen, khyle, jocy, vhec, salac, kaizzle, michelle, at madami pang iba.
        Kung dati ay iniiyakan ko yung dati kong school yung Maranatha ngayon naman yung Dizon high ang iniiyakan ko dahil ayoko ng lumipat pa ulit. Madami ako natutunan at nakilala sa Dizon na siya naming nagpasaya at nagbigay kulay sa buhay ko.
yn ang "BESTFRIEND" ko! Love q yn! :)



          At sa hindi inaasahang panahon at pagkakataon nagkaroon ako ng “BESTFRIEND” (mica recio) na talagang mahal ako, inaalagaan at di pinababayaan at iniiwan. sobrang mahal na mahal ko yang bestfriend ko na yan.
         Masaya ako pag kasama ko siya, kahit puro kabaliwan at katangahan ang aming pinaggagagawa lagi. Masaya ako kasi hindi niya sinabing baguhin ko yung kung ano mang maling mga ginagawa ko pero dahil sa kanya kusa ako nagbago. 
        Thankful din ako kasi di niya ko iniiwan sa lahat ng bagay at oras lagi siyang andyan para pasayahin ako. ayun basta masaya ako. (hehe) Siya yung isa sa pinaka magangdang nangyari saken sa buhay ko especially sa high school life ko.  
        Sobrang thankful ako at di nagsisi na pumasok ako ng dizon, di man laging masaya, madami mang gulo at away ang barkada ang mahalaga mahal namin ang isa’t isa. At dito nalang muna nagtatapos ang aking talambuhay. (hehe)

Ang Talambuhay Ni Jamille Molina


ayan ako ngayon. Nung JS.
      Ang aking talambuhay ay nagsimula sa pag-iibigan ng aking mga magulang na sina Nestor Molina at Melody Santos.Nang ako ay ipinagbubuntis pa lang niya , ang sabi ng aking magulang ay malikot saw ako at malakas manipa. Hanggang sumapit ang December,4-1993 at ako ay isinilang na. May dalwa pa akong kapatid na mas nakakatanda sa akin, sina Janis Catherine Molina at Janna Carmina Molina at ako na nga ang bunso.Tinuruan ako ng aking mga magulang na magsalita at tumayo,sabi nila nung bata daw ako malikot daw ako at pag minsan pa ay mahilig makipag away ma babae man o lalaki.
    Sabi nila may pagkamaldita daw akonung bata ako, ksi lahat nalang daw inaaway ko.makalipas ang anim na taon,nag pre-elem na ako at ditto ako tinuruan, mag color ng kung anu-ano,marami akong nagging kaibigan sa Open Door Academy . Natutuwa ako nung pre-elem ako, pag nilalagyan ako ng star sa kamay, kasi ang ibig sabihin nun, Very Good. Tuwing uuwi ako sa bahay ipinapakita ko kayna mama at papa kasi very good ako. At malapit na naman ang aking kaarawan mag pipitong taon na ako, Masaya ako dahil palage akong may handa. At nag bakasyon na puro laro na naman ang ginagawa ko at sa pasukan ay kinder na ako. At dumating ang araw ng pasukan.Laging ayaw kong pumasok kasi tinatamad ako, kasi ang isip ko ay puro laro.
     Lagi pang pahirapan ang pagpasok saken. Pero sa aking pagpasok marami akong natutunan. Sa aking paguwi sa bahay tuwing hapon lagi akong tinuturuan nina mama at papa na magsulat ng aking pangalan, kung minsan pa ay pinagbabakat ako ng aking pangalan para madali kong matutunan kung panu magsulat ng pangalan.At unti unti ko itong natutunan.
    Darating na naman ang aking kaarawan, mag wawalong taon na ako, at Masaya ako sa pagdiriwang nito at matatapos na ulit ang pasukan ng kinder.
     At ng ako ay nag grade one na sa San Roque Elementary School na ako pumasok.Bagong kaibigan na naman  ang aking masasalamuha, Masaya akong napasok,mdahil magbabait ang classmate ko. Lahat sila matatalino kaya kaylangan kong makipag sabayan sa kanila at hanggang nagustuhan ko rin an gaming guro na si Gng. Alimbuyog dahil mabait siya , parang di marunong magalit.
     Nung grade one ako may classmate ako na crush ko. HeheJ parang puppt love, sinabi ko sa besfriend ko na crush ko yun. Haha:D at ayon tinukso ako. Keya grade one pa lang ako kinasal na ako pero laro-laro lang naman.At itoy ikinuwento ko sa aking mama, at itoy natatawa lang sa aming kalokohan.
    At  ng Recognition Day , may sabit ako 1st ako sa values masayang masaya ako. Agad kong sinabi kay mama sa sobrang saya ko, at dahil natuwa si mama ikinain ako sa labas,oh diba?
    At nagbakasyonna naman. Pro laro na naman ako. Lagi akong tinatawag nina mama, pero lagi ko silang tinataguan kasi mas guto kong maglaro maghapon.at malapit na naman ang pasukan grade two na ako pagpasok. May nadagdag sa amin magkakaklase, pero Masaya ako ngaun kasi yung mga kaibigan ko nung garde one ay kaklase ko pa rin. Ang guro naming nun ay si Ma’am Cecilliano, mabait siya, pero napakataray. Pag minsan tinatamad akong pumasok kasi natatakot ako sa kanya, saobra nya kasing taray, parang lahat ng problema sa mundo ay dala niya.Nung grade two ako wala akong nakuhang medalya,dahil siguro sa pag absent ko.Pero nakakapang hinayang pero ok lang pasa naman ako sa lahat ng subject, pero iba pa din kung makakakuha ng medalya at aakyat sa entablado.
     Hay bakasyon na ako at sa pasukan ay grade three na ako. Palaging naulan , kaya kami ng mga pinsan ko ay lagging naliligo sa ulan, Masaya ako pag nakakasama ko ang mga pinsan ko kasi tuwing bakasyon lang kami nagkakasama sama, pag naliligo kames a ulan malayo ang nararating naming, nakakapunta kames a ibang division at sa pag uwi naming unahan kame sa banyo aat pag bakasyon ok lang kahit di ka magising ng maaga maski tanghali na. Paulit ulit lang ang mga nangyayare.
      Gusto kong magpasukan ulit para makita ang mga kaibigan ko sa school. At ayon pasukan na at grade three na ako. Kay mam Amores , ang teacher naming yan ay pagka taray taray pero mabait, at ayos naman mas nagkaroon ako ng kaibigan at nagkataong pinatawag si mama ng guro ko.. Hala! Napakainggay ko daw kasi, napakadaldal.
       Madame na di na akong kalokohan nung mga panahong iyon. Naging masaya naman ako na kasama ko lage ang mga kaibigan ko. At natapos na naman ang taong ng na ito
        Bakasyon na naman, at masaya na naman an gar ko dahil makakasama ko na naman ang mga pinsan ko.At sa pasukan grade four na ako. At ito nga at grade four na nga ako. Nagpalipat ako ng section A-B kasi sobrang taray ng techer ko pag A ako,kaya mas ginusto kong maging B ako, at dun  ko nakilala ang bestfriend ko sa B.
       Bumbay siya at lumipat pa sila  ng bahay na malapit sa amin kaya mas lalong ok ang samahan naming.Araw araw kaming magkasama , pagminsan nasa kanila ako, at pagminsan sana aminsiya. Tuwing gabi naggagala kame, haha at lalo pa nung nagbakasyon, nagging masaya ako nung nakasama ko siya.
      At pasukan na ulit , lumipat na ulit ako ng section A. para makasama ko ang mga dati kong mga kaibigan . At syempre di ko iniwan ang bestfriend ko, isinaman ko siya sa section ko.At yun ang nagging teacher naming ay si Mrs. Delvalle, masaya siyang maging teacher.
      Sa sususnod na taon grade six na ako at graduating na. At bakasyon na namanexited akong pumasok ng grade six kasi magiging masaya ang mga araw ko, ang teacher naman naming ay si Ronali Rimbon,masaya siyang kasama kasi dalaga pa lang siya kaya parang barkada naming siya kung turingin. Pero nung grade six ako di ko nakasama si bumbay, Kaya may bago na akong bestfriend si Jonna lagi ko siyang kasama “Bezie” ang tawagan naming.Tuwing tanghale sa kanila ako nakain, o kaya dindala ko ang mga pagkain ko sa kanila, kaya mas lalo ko siyang nakilala, pati ang mga kamag anak niya.
        Nung graduation na, si jonna ang una kong niyaka, siya talaga ang nagmamahal sakin ng tunay, yung parang kapatid ko na siya.Kaya nung bakasyon lalo ko siyang na miss .
      Hindi ko alam kong san ako papasok sa high school. Sabi ni ate sa Dizon na lang daw kasi masaya daw dun!
     1st day sa school si Bernadette na kaagad ang una kong nakilala, mag kasabay din kames a pag uwi, may nagging kaibigan din naman kame , sina Trishia, Badette&Meriel, kaming apat ang lagging magkakasama . Masaya silang kasama ,pero may time na hindi kame nagkakaintindihan kaya minsan nagaaway away kame, pero nagkakaayos din naman kame. At si Badette ang nagging bestfriend ko, siya ang lagi kong kasama.Nakakatuwa siya dahil lagi siyang may joke! Pati hindi siya nakakatamad kausap ,  marami akong natutunan sa dizon ang naging adviser naming ay si mam. Tolentino , mabait siya at naiintindihan kaming mga estudyante niya. Ang hindi ko malilimutan sa 1st year ay yung pin agsulat kame gamit ang eyeliner. Kasi field demo naming nun, eh di ko naman akalain na may klase pa kame nun. Kaya pandi lagay ako,.
      At ayos naman ang buong taon ko kasi wala akong bagsak. At secondyear na kames a susunod na taon.BAkasyon na naman at maghapon nakatanga sa bahay. Mas gusto kong may pasok ay!
     Yeah! Second year na ako at masaya ako kasi mga klasmate ko pa din sila , hindi kame nagkakahiwa hiwalay. Masaya ako, bawat araw kasi kasama ko sila. Ang hindi ko makakalimutan ay ang maging si laura ako sa Florante at Laura, nakakakaba sa library kasi ang dameng nanonoon pero kinaya ko lahat ng yun.

ayan mga tropa kong lalake lagi kong kasama.

PARTYPIPZ
     3rd year ang hinding hindi ko makakalimutan . Basta! Pati mga barkada naming mga lalaki, ay ayaw kameng ,mawala sa kanila. Pag nagagalit kames a kanila inaamo nila kame para din a kame magalit.. Bakasyon na at 4th year na kame. Gagraduate na din sa wakas.
    At sa kasawiang palad!
    Nagkahiwahiwalay kame haixt! Kasi ngayon ang partypips ay nagkahiwahiwalay na ng sectin ang iba ay 4f ang mga lalaki ay 4g ang iba ay nasa 4d at 4e. pero sabay sabay pa rin kameng umuwi tuwing haponJ Kahit magkahiwahiwalay kame hindi naming malilimutan ang barkadahan naming, ang grupo naming at ang salitang “walang iwanan”.
ito naman ang best of the best. Masaya kami palagi. :)

Ganyan kami pagkatapos ng lunch. Lagi kaming magkakasama.
    At nung nag sci-camp kame. Lahat kame kasali kaya ang saya saya, takutan pag gabi, at walang tulugan, masaya talaga kasi sa iisang kwarto kame magkakasama, para kaming magkakapatid na nakatira sa iisang bahay.
At ayan naman ang bestfriend ko.
At ayan naman si best. :) masaya ko pag kasama ko siya.
     At 4th year na guidance ako , kasi napaaway ako pero pag katapos nun nag kayos na kame, para ngang walang nang yari, mas nagging close pa nga kame ee. At naging bestfriend ko si Sarah Almeda, masaya ako pag kapiling siya, lagi akong napapatawa, kaso lai kameng away ng away.. araw araw yun. Sa ngayon ang lagi kong kasama ay si lily ferrer, masaya ako pag kasama ko siya, basta sa month na to masaya ako, Lalo na nung j.s.
ganito lagi ang pwesto ko sa classroom pag walang ginagawa. :))
    Hanggang dito nalang ito ang buo kong talambuhay!
    Salamat:)