Tuesday, February 22, 2011

Ang Talambuhay ni Menchie Regachuelo

Ako at ang aking pamilya
       Ako si Menchie Luces Regachuelo ipinanganak noong Feb, 26 1994 sa Probinsya ng Albay. Ika apat sa pitong mag-kakapatid. May angking kabaitan, matulungin, matalino,mapagmahal at higit sa lahat palakaibigan. Ang aking mga magulang ay sina Domingga Regachuelo, Jose Rebamba Regachuelo Jr. ang hanap buhay ng aking ina ay beautician at ang aking ama naman ay karpintero. Pareho lamang silang nagtatrabaho para maiahon kami sa kahirapan dahil pito kaming mag kakapatid. Ayon ay sina Michelle, John Micheal,  Jaymart, Jayrald, Mary Ann at ang pinaka bunso naming kapatid na si  Buenaventura Regachuelo pero kahit marami kami hindi kami nakaranas ng kagipitan dahil andyan ang aking pinaka mamahal na mga magulang na sumusuporta sa amin.


            Nang akoy 3yr old na ay gustong gusto kunang mag aral kaso sabi ng aking ina ay sa isang taon na sapagkat masyado pa akong bata. Pero dahil nga bata pa ako palagi kung pinipilit ang nanay ko na gusto ko nang mag-aral at pumasok sa paaralan.

            At nang dumating na ang araw na iyon ng ako ay apat na taong gulang na ay nag aral na ako ng kinder sa Day Care Center. Dito na ko natutong sumulat at bumilang at marami pa akong mga kalarong ibang bata.
           


            Nang akoy grade one pumasok ako sa Sofronio B. Garcia Elementary School hanggang grade six. Noong grade 2 ako ay di ko inaasahang maaksidente ako ng ako ay natuklaw ng ahas sa kanang daliri ng aking paa dahil alas siete na ng gabi ay nag lalaro pa kami ng aking mga pinsan nang tagu-taguan  pero mabilis din iyong nalunasan.

             At nang ako ay nasa grade 4 na unti unti na akong nag babago dahil hindi na ako nakikipag laro sa maliliit na bata at dito ako ay nakaranas nang bulutong kaya lagi lang akong nasa loob ng bahay dahil bawal daw akong lumabas ng  bahay sabi ng nanay ko at lagi din akong nakabalot dahil bawal daw itong mahanginan baka daw kasi lalong dumami at marami pang ipinag babawal. Pag ka lipas nang ilang linggo ay gumaling na ako ayo nga lang marami akong peklat alaala ng aking bulutong.

             Nang ako ay grade six ay lalo pa akong nag buti ng pag aaral dahil nais kong makasama sa graduation. Bago ako nag graduate ay sa lola ko ako nakatira sa pagkat ang mga magulang at mga kapatid ko ay nasa san Pablo kaya ang aking tiyahin na lamang ang nag hatid sa akin.

ako kasama ang aking mga kaklase
            Pag katapos ng aking graduation mga dalawang lingo palamang ay hindi ko inaasahang uuwi si papa upang kaunin ako dahil sa San Pablo na daw ako mag aaral na high school nalulungkot man ako dahil iiwan kuna ang aking lola masaya na rin ako at makakasama kuna ang aking pamilya.

            Kaya ngayon ditto na ako nakatira sa San Pablo City sa Brgy. City Subd. Quirino St. Pero hindi muna ako nag aral pinatapos muna ng mga magulang ko ang isa kong kapatid na collage dahil kulang na ang aming budget at pag ka tapos ng kuya ko ay saka palang ako mag aaal ng 1st yr high school.
            Nag aral na ako ng 1st yr. sa paaralan Dizon High. Dito na ako nag simula na mag aral sa High School na marami na naman akong mga nakilalang bagong kaibigan. Nakilala nila ako sa pagiging mabait, mahinhin, mahiyain, at isa pa dun ay mabuting kaibigan. Marami na rin akong natutunang mga magagandang pag-uugali.

            Nang 2nd yr na ako ay nakakalungkot mang isipin ay di kuna nagging kaklase ang mga kaibigan ko. Pero meron din akong mga dating kaklase na kaklase ko ulit ayun nga lang di ko masyadong ka close. Hangga sa tumaga ay lagi na kaming mag kakasama hanggang sa dumami na kami at nabuo ang tropa ng “vhesoumenkeelbavy” ayo ay sina  vhera sousette ako relsie ella babalyn at ivy. Lagi kaming masaya pero minsan may tampuhan din. Mag kakasakami pag napunta ng lake kapag wala kameng klase nag iihaw at nag ba bike kame iikutin ang buong lake.lalo na tuwing dadating ang araw ng 17 dahil friendsary naming yun.

Ang aking mga kaibigan
            Nang ako ay 3rd yr na lumipat na kami ng tirahan ngayon ay nakatira na kami sa San Ignacio SPC. Pero mas gusto ko pa dun sa dati naming tirahan dahil hindi ako nahiirapang pumasok  sa eskwelahan. Doon mura lang ang pamasahe pwede din na lakadin kasi malapit lang. sa mantalang ngayon nasa san ig nacio na kami ay napaka mahal na pamsahe dahil dalawang sakay pa. pero ayos na rin yun wala na akong magagawa.

            Pinag buti ko pa lalo ang pag aaral daahil ayokong maiwan ako ng mga kaibigan ko. Hindi ako nakasama sa deliberate.

Kami noong mini-olympics
            At ngayong 4th yr na ako hindi na kumpleto an gaming gropo sila relsie at ella ay napahiwalay na sa amin. Kya ngayon apat nalang kaming mag kakasma. Pero ok lang may iba naman kami ngayong mga kasama at yun ang bgo naming mga kaibigan. Pero sana sabay sabay kaming makatapos kasi sabay sabay kaming pumasok.

            Sa ngayon iniisip ko parin ang aking kukuhaning kurso. Pinag pipilian ko pain ang IT o HRM. Malapit na ang graduation pero hindi muna ako papasok mag ta trabaho muna ako pa magkapera.


 Dito na po nagtatapos ang aking maibabahaging talambuhay...
   Salamat po sa pagbabasa. God bless to all.

No comments:

Post a Comment