Friday, February 18, 2011

Ang Talambuhay ni Mika Joice Recio


eto yung mga oras na wala akong magawa.
 
          Ako si Mika Joice H. Recio, isinilang sa Brgy. Dulong Bayan San Pablo City, noong nobyembre 29, 1994. Bunga ako ng mabuti at masayang pag-iibigan ng magkabiyak na si Joel Natividad Recio at si Jocelyn Estillet Hardillo.
         Ang aking mga magulang ay parehong tubo ng San Pablo City Laguna. Ang aking butihinh ina ay nagtatrabaho sa isang pabrika ng Frankling Baker kung saan siya ay ngtitiyagang magtalop ng niyog sa loob ng walong oras at ang aking ama naman ay isang jeepney driver kung saan siya ay nagsusumikap na maitawid kami sa gutom.
         Ang kanilang pagsasama ng aking mga magulang ay nagbunga ng dalawang anak ako at ang aking nakatatandang kapatid na si Mike Iris Recio. Ayon sa kwento ng aking ina noong ako ay nasa sinapupunan pa lamang niya ay hilig niya ang kumain ng mga prutas ng sag anon ay maayos at malusog akong mailabas. Nang sumapit na ang araw ng aking kapanganakan ang aking magulang at nakatatandang kapatid ay masayang masaya sa kinahinatnan malusog at magandang paslit ang nailuwal ng aking ina.
eto nung kinder pa ako.
        Habang lumilipas ang mga araw at panahon ako ay unti unting nagkakaisip. Ang aking ina ang aking unang naging guro, siya ang nagturo kuna paano ang sumulat at bumasa ng  maayos at tama. Hanggang sa sumapit na ang araw ng pagpasok ko ng kinder sa edad na limang taon sa aming baranggay kung saan libreng mag-aral ang mga batang limang taon hanggang walong taon ang edad.
       Marami na akong natutunan noon at kung pano makipagkaibigan sa mga tamang tao at dumating na ang araw na pagtatapos ng kinder ginanap yun sa paaralan ng Liceo de san Pablo noong taong 2000. 
At ako ay elementary sa mababang paaralan ng Fule Almeda Elementary school.
         Malapit lamang sa aming baranggay ang paaralang pinasukan ko. Sa paaralang iyon marami nagbago sa aking buhay nakakilala ako ng mga kaibigan ko at natuto akong makisalamuha sa aking mga kamag-aral. Noong ako ay nasa unang baitang ako ay takot na takot sa aking unang pagpasok ng silid aralan.
         Dahil unang tingin ko palang don sa aking guro ay mukha ng mataray at masungit, pero mali pala ang aking pag-aakala sa kanya. Ang aming guro pala non ay mabait sa mga batang mabait sa kanya at masungit sa mga batang makulet.
         Noong narinig ko yun mula sa aming guro ako ay hindi nag-alinlangan na pumasok dahil alam ko naman na akoa ay mabait na bata kaya walang dapat ikabahala.
         At noong ako ay nasa ikalawang baiting ng aking pag-aaral sa elementary ako ay nagdalawang isip kung doon padin ako papasok sa paaralang Fule Almeda sa kadahilanan na maraming nakakapagsabi sa akin na higit na mas mataray ang guro sa ikalawang baiting, nais ko sanang magpalipat sa paaralan ng bagong bayan nginit hindi sumangayon ang aking mama dahil malayo daw ang paaralan na iyon sa aming tahanan.
        Kaya nasunod padin ang kagustuhan ni mama na sa paaralan na gusto niya ako papasukin wala akong nagawa kaya si mama padin ang nasunod. Walang nagbago sa aking mga kaklase kung sinong kamag-aral ko nung ako ay nasa ikaunang baiting.
ako at ang kuya ko bata pa kami.
       Ayon padin sa ikalawang baiting walang nadagdag at wala din ang kulang. Hinding hindi ko malilimutan na lagi akong nahuhuli sa pag uwi dahil lagi akong nahuhuli sa pagsusulat ng mga pinapasulat ng aming guro at angkaroon din naman ako ng maraming kaibigan dahil di naman ako mahirap pakisamahan. 
ako at ang mga pinsan ko
       Ang aking kamag-aral at ako ay nagkamit ng Fifth honor nung kaya ang saya saya  nina mama kaso non kala ko pa naman medal na pero ayos nadin kaysa naman wala. At nung ako ay nasa ikatlong baiting na mas marami na mas marami na akong nakilala at may crush na din ako at nag-aayos na ako ng aking sarili pero hindi ako kire mas gusto ko lang kasi na maging maayos malinis at maganda sa harap ng aking crush.
       At meron nadin akong naging mga kaibigan sa mga kamag-aral na don din napasok sa aking pinapasukan. Napakasaya ko non dahil mas higit na marami akong kakilala tuwing awasan na kami ay laging nagkikita kita sa labas n gaming paaralan para maglaro ng patintero. 
ako at si kaizzle.

       Kasi malawak yung labas n gaming paaralan at kalsada may guhit na nang pang patintero kaya kami ay nasisiyahan na maglaro doon tuwing awasan. Sa edad na sampung taon ako ay hinikayat ng isang leader ng isang samahang El Shaddai na kung saan sila ay naghahanap ng magsasayaw upang mas higit na makilala ang Panginoon Diyos.
       Pinag-isipan kung mabuti kung ako ay makikilahok sa samahang iyon pero napag-isip isip ko na wala naman mawawala saken kung ako ay sumali. Pero di nagtagal sumali na nga ako at mas marami na akong nakilalang mga iba’t ibang estado ng buhay at iba’t ibang pag uugali ng mga batang aking nakilala pero di nagtagal na pahinto ako sa pagsasayaw dahil malapit na ang pasukan.
      Ako ay nasa ikaapat na baiting ng elementary dito nagsimula at nagpapatuloy ang pagbabago ng aking buhay maraming masayang naganap na hinding hindi ko malilimutan.
      At noong ako ay nasa ika-anim na baiting na marami na akong pinabago sa aking pagkatao, sa aking pag-uugali at sa aking personalidad.
barkada ko.

        Marami akong higit na kaibigan dahil sabi nila maganda at magaling daw akong makisama at makihalubilo sa lahat ng bagay, mas naintindihan ko na ang tama sa mali at nang dumating ang pagtatapos ng elementary lahat kami masaya na may halong lungkot dahil magkakkahiwalay na kami ng aking mga kaibigan.
        Masaya sa dahilang nakatapos na kami maraming alaala ang hindi ko malilimutan ng ako ay nasa elementary pala mga pangyayari na nakatatak na sa aking  isipan. Pangyayaring nagturo ng tama at nagpasaya sa aking buhay nung ako ay elementary pa lamang.
best of the best.

bestfriend ko at ako
          Sa paaralang Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School naman ako nagsekondarya nung unang punta ko sa paaralan nay un ako ay manghang mangha dahil sa lawak at ganda ng Dizon High walang wala sa paaralang pinasukan ko ng elementary.
          Unang una na pasok ko ay hiyang hiya ako dahil wala pa akong kakilala kahit isa don pero habang lumilipas ang mga araw unti unti ko nakakaclose ang aking mga kapwa kamag-aral at nagkaroon ako ng mga kaibigan at nagsumikap kaming lahat na makapagtapos ng 1st year High school at hanggang mag 2nd year na kami mas marami na akong naging kaibigan at mas maraming karanasan na magaganda ang nangyari.
           Maraming kaibigan ang nagpasaya bawat araw masaya bawat araw puno ng ngiti at tawa. Ang aking nararamdaman ang aking mga kabarkada ang aking naging pangalawang pamilya at marami ring karanasan ang nangyari sa 2nd year andun yung naguidance kami dahil sa mga kalokohan na aming ginagawa.
          At noong ako naman ay nasa 3rd year na nabauo ang barkada naming partypipz lahat magkakasundo, walang away, walang gulo lagi kaming masaya at hindi pa seryoso sa aming pag-aaral nag-eenjoy kami sa aming mga ginagawa at may araw na lahat kami nag-uusap usap para hindi umatend sa klase para magcutting at pupunta lang kami sa bundok ng san mateo iyon an gaming libangan sobrang saya. Pero pagpasok namin kinabukasan galit nag alit an gaming mga guro.
          Mga pasaway daw kami kaya kami daw ay paghihiwalay hiwalayin pagdating ng 4th year at nangyari nga ang sinabi n gaming guro, kami ay pinaghiwahiwalay halos lahat n gaming kabarkada watak watak may 4-D, 4-G, 4-E pero hindi padin natapos an gaming samahan tuwing awasan na lagi padin kaming nagkikita kita at nagsasaya sa oval.
         Hanggang sa nadagdagan kami ng isa si TRISHA MAY DE GUZMAN binago niya kaming lahat napaka buti niya nang dahil sa kanya nagpakatino ang lahat at naging bestfriend ko siya napakasaya ko talaga at dito nalang nagtatapos ang aking talambuhay.
BESTFRIEND ko to.
 

No comments:

Post a Comment