TALAMBUHAY NI MARGEAN PALINIS

Una po sa lahat nais ko munang ipakilala ang aking minamahal na magulang na si Lengean Palinis,siya po ang aking ina na nagsilbing ilaw ng aming tahanan at ang aking ama naman po ay si Marvin Palinis na siyang nagsilbing haligi ng aming tahanan.Sila po ay mapagmahal at maarugan mga magulang.Bago pa ang iba pang istorya ng aking buhay nais ko munang pasalamatan ang aking magulang na laging nandiyan para gumabay,sumuporta at nagpapakahirap sa pagtatrabaho para lamang maiahon kami sa kahirapan sa pang araw-araw na buhay.

ayon naman sa kanilang kwento taong 1993 nagbakasyon ang aking mama sa San pAblo at pansamantalang naninirahan sa kaniyang tiyahin.Sa katabing bahay ng kanyang tiyahin ay doon nagtatrabaho ang aking ama.Hanggang sa palaging dumadaan na ang aking mama doon sa tapat at nakita ng papa ko.At sa hanggang nagkakilala sila at nagkapalagayan sila ng loob.Tapos umuwi ng bicol ang aking ina dahil taga doon sila.Mahigit isang buwan siya doon tapos pagminsan binibisita siya ng papa ko.Makalipas ang isang buwan pumunta na ulit ng San Pablo ang aking ina at nagtrabaho sa Restaurant.Kada-hapon sinusundi at inihahatid ng aking papa si mama sa inuupahang bahay nilang magkakasama sa trabaho.Hindi nagtagal itinanan na daw ni papa si mama doon na nagsimula ang pagsasama nila.

Makalipas ang taong 1993...Hunyo 1,1994 nang isilang ako ng aking ina.At Disyembre 8,1994 daw ako ng pabinyagan.Ayon da po sa aking mga magulang sila ay ubod ng saya ng dumating ako sa buhay nila.

Noong Hunyo1,1995 naman ng ipagdiwang ang aking unang kaarawan.At ipinaghanda ako ng aking ama at ina.Sabi ng aking magulang nung mag-isang taon ako may araw na hinahanap nila ako sa bahay namin pero wala ako yun pala nakapunta ako sa katabing bahay doon sa lola ko at umakyat daw ako ng hagdan.Tapos nakita daw ako sa taas ng bahay ng lola ko.Habang tinatawag ako nakasili daw ako sa bintana at sabi ko "dito po ato ta taat", bulol pa kasi ako nun.

Pagkalipas ng limang taon,nagsimula na akong mag-aral ng kinder sa Paaralang Day Care ng Concepcion.At pagsapit ng Marso 21,2001 ako ay naggraduate at nakapagkamit ng medalya dail sa aking pagiging honor students at bar pin sa pagkamit ng best in writting.Sobrang saya ko nang panahong ito at ganun din ang aking mga magulang

Nung June,2001 naman ng magsimula akong pumasok ng elementarya sa Paaralang Guerilla Elementary School bilang grade 1,2,3,4,5 at sa mga pagkakataong ito nakakatanggap padin ako ng mga parangal na medalya dahil sa pagiging top students at naging best in writting ulit.Hanggang sa dito na din ako nag-grade 6.Maraming mga masasayang alaala ang naiwan namin ditong magkakaibigan at magkakaklase na di namin makaklimutan.Gaya ng tawanan,iyakan,asaran,pikunan, mga pag-gala at syempre ang mga paglalaro namin tulad ng jackstone,habulan ,sipa,taguan,patintero,london beidge,paltok bola,tumbang preso,beng sack, wansapanatym,tsiness garter at marami pang ibang kalokohan.At sa taong 2007 nang ako ay gumadruate ng elementarya.Masayang-masaya ako sa mga pagkakataong ito.

At ang hindi ko inaasam na pagkakataon ay nang tumuntong ako ng highschool, na hindi ko alam na ito pala nag mas pinaka-makasaysayan at mas pinakamasayang pangyayari.Dahil dito ako natutong magsimulang muli at maraming pagbabago na ang nangyari.

Taong 2007,buwan ng hunyo unang pagpasok ko sa high school dito sa Paaralang "CLDDMNHS".Dahil wala pa akong masayadong kakilala,hiyang hiya pa akong pumasok sa room namin.Hindi naman nag tagal marami na akong nakilalang kamag-aral ko at naging magkakaibigan kami.

Tapos lagi na kaming magkakasama paglalabas ng room at kakain.Nakilala nila ako sa pagiging mabait,tahimik,mahiyain,mahinhin at may pagkaisip bata.At yung isa kong classmate na naging bestfriend ko ay taga dito din sa concepcion,malapit sa may amin.Kaya naman lagi kaming magkasabay pag-uwi tapos pagpapasok naman ay hinihintay niya ako sa bahay nila at dadaanan ko siya para sabay kami.Isa pa pala sa ugali ko ang pagiging tampuhin,gayun pa man hindi man kami mga magkasundo minsan,marami na rin ang masasayang pangyayari sa buhay naming magkakaibigan ang hindi ko makakalimutan.Tapos may mga pagkakataon nakapag 1'2'3 din kami sa jeep na magbabarkada sa sobrang lakas ng trip buti hindi kami nahuli.Pero di namin yun ginagawa tinry lang namin mga katangahan.Sa mga pagkakataong waa kaming kalse ,nagkakaisa kaming mga magkakaklase nag maglaro sa labas at minsan may oras din na namamasyal kaming lahat sa lake at naikot ng nakabike tapos natambay.Sa di inaasahan. nagkaroon ako ng crush sa isa kong lalaking kaklase,tapos lagi na nila akong inaasar dun.Nang sumapit na ang bakasyon,namiss namin ang mga masasayang pangyayari na nangyari noong kami ay 1st year.

At nang ako mag 2ndyear na highschool marami na ring mga bagay at alaalang naganap at mga masasayang pangyayari na hindi makakalimutan.

taong 2009-2010 nung ako ay 3rdyear highschool ang mga pinakamasayang mga pagkakataon na dumating at nangyari sa buhay ko.Pero may mga pangyayari din na di masyadong magana.Marami naring mga pang-yayari at pagbabago na naganap.Nang magpasukan na, wala na kami hiya sa isa't-isa dahil magkakaklase na rin kami dati,kaya unang pasukan pa lang puro na mga kagaslawan at at lakas ng trip lagi ng bawat isa.Mabilis kami na mga magkasundo sa mga bagay na puro katangahan,kahit na mapagalitan kami ayos lng basta masaya kami yun bang part na parang wala ng bukas ang tawanan pag magkakasama isa din ang pinaka diko makakalimutan na pangyayari ay nung mga oras nag nakakapagcutting classes kami dahil magkakasama kaming magbabarkada ay napapasarap ng pag-gala kaya di kami minsan nakakapasok.Pinaka masaklap din na pangyayari at ikinatakot ko ay nung mga pagkakataon na naguidance kaming magbabarkada.Kasi hating bagi na umuwi yung kabarkada namin kaya sumugo yung tiyahin at ipinatawag kaming mga barkada.Hanggang sa sumagot na ako at nagpaliwanag na hindi naman na ako kasama ng ganong oras at hindi na ako nakakauwi ng gabing-gabi na.Dito ko rin naranasan yung sinamsaman ako ng cellphone ng teacher namin dahil nahuli ako na nagtetxt, ayaw kong ibigay kaya ako napagalitan at dinala sa faculty yung cp ko kaya maghapun kung pinakiusapan para labg mai-balik sakin.

January 9,2010 ng nakilala ko yung pinakamahalagang tao na makakapagpapasaya ng lovelife ko at siya narin yung isa sa mga naging inspirasyon ko sa buhay.At Jan.12,2010 naging kami.Tapos sa mga pagkakataong ito lagi na kami nagkikita at magkakasama.

Sobrang saya din na pangyayari ay nung J.S Prom noong Feb,201.First time pa lang kami makaka experience ng ganon kaya lahat kami ay excited.

Nang ako ay mag 4th year nung unang pasukan hiyang-hiya pa ako pumasok kasi walang kakilala kasi ngayon taon lang kaming magbabarkada nagkahiwa-hiwalay ng section pero sa hindi ko agad inaasahang pangyayari magiging masaya rin.. pala ako kasi dito ko nakilala ang aking mga bagong kaibigan na makakasama ko at makakapagpasaya sakin tuwing may problema ako.

At bago wakasan ang aking makasaysayang talambuhay andito nga pu pala ako para muling magpakilala MARGEAN ESPIRITU PALINIS nga po pala ang aking buong pangalan o kilala sa palayaw na (JHEN) na taga Dona Eusebia BRGY.Concepcion ,San Pablo City.Labing anim na taong gulang ipinanganak nong Hunyo 1,1994 na anak nina MARVIL PALINIS at LENGEAN PALINIS.At ako ay may isang kapatid na bunso na ang pangalan ay JOHNMAR E. PALINIS.At dito na po nagtatapos ang aking talambuhay.

ANG EDUKASYON ANG SUSI SA MAGANDANG KINABUKASAN!!!
MARAMING SALAMAT PO!! =))