eto yung unang pasok ko sa dizon high |
eto ako ngayon. |
Lima kaming magkakapatid at sa aming lima sakin daw nahirapan manganak ang aking ina dahil masyado daw akong malaki. Sa kwento ng mga magulang ko ng magi sang taon mahigit na raw ako at nagsimula ng tubuan ng ngipin ay nagging hobby ko na daw ata ang pangangagat.
Basta daw my mapadikit saking balat o ano mang bagay ay agad ko daw ito kakagatin at hindi lang daw basta kagat dahil kapag ako daw ay nangangagat ay talagang madiin. (hehe) Pero kahit ganon kinatuwaan daw ako nung bata ako dahil masyado daw akong bibo.
Nang ako ay magpitong taon na ay tumira muna ako sa mga lola at tita ko sa ama. Aaminin ko na kahit bata pa ako noon ay madami akong naalala na nangyari sa akin habang nakatira ko sa kanila. Hindi man masyadong naging maganda ang trato nila sa akin minsan ay hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kanila.
Aaminin ko na minsan ay nasasaktan at sumasama din ang loob ko sa kanila pero mas pinipili ko padin na huwag nalang na tumahimik at huwag magsalita. Hindi naging madali ang buhay ko habang lumalaki ako. Dahil ang buhay namin ay paiba iba.
Kung baga tataas yung estado namin sa buhay tapos biglang bababa, tapos tataas ulit tapos bababa. Mahirap mag-adjust pero ako at ang pamilya ko ay hindi sumusuko kahit na pabago bago ang buhay namin. Naranasan ko ng maghirap gaya ng minsan kahit baon ko di alam kung san kukuhanin, kahit anong pagkain ay walang makin dahil walang pambili.
Dumating din yung time na baon na baon na kami sa utang napakahirap kasi bukod sa baon na kami sa utang noon ay muntik pang maghiwalay ang magulang ko dahil sa sobrang hirap at kakaaway nila. Thanks God kasi hindi niya pinabayaan na masira ang pamilya ko.
Pinalaki kami ng magulang namin na marunong tumayo sa sariling mga paa namin, hindi kami pinalaki ng maarte at maselan sa bagay bagay. Paglipas ng ilang buwan or taon ng sa mga magulang ko na ulit ako nakatira ay hindi na kami napirme sa isang bahay.
Lagi kaming palipat lipat, wala pa atang isang taon ay lilipat na naman kami. Mahirap para sa akin iyon, sa paglipat namin ng bahay at lugar pati ang eskwelahan ko ay paiba iba din taon taon buong elementary ko. Pero kahit ganon iniintindi ko nalang.
Dumating yung time na umangat ulit ang aming buhay 2004 yun sa tulong ng pamilya lalo na ng lola ko sa America. Binigyan niya kami ng malaking pera upang bumili ng sariling bahay at lupa namin. Pati narin binigyan niya kami ng malaking puhunan para makapagtayo ng negosyo.
Nagkaroon naman kami ng negosyo tulad ng Resort, Restaurant, Piggery, poultry, fish pond at nagkaroon din kami ng bahagi ng isla na kung saan meron din kaming mga fish pond doon. Mga tilapia, bangus at hipon. Naging masagangang masagana an gaming buhay noon, lahat ng luho namin ay nasusunod at nabibili.
Pero tama nga sila lahat ng sobra ay masama. Isang araw lahat ng pera ay inivest ang aking ama sa fingerlings sa pagpifishpond at nangutang siya ng maraming feeds. Dapat sana kinabukasan ay idedeliver na ang mga isda pero hindi nakontento ang aking ama isang pa raw ang palipasin para mas lumaki ang mga isda.
Ang hindi nya alam yun ang isang malaking maling desisyon na nagawa niya. Dahil kinabukasan dumating ang bagyong “MILENYO” na nagwasak ng mga net na pinagkukulungan ng mga isda at nakawala ito lahat. Lahat ng sinugal na pera ng aking ama ay nawala ng parang bula at nalubog kami sa utang.
Kaya lahat ng kabuhayan namin ay sinasara at nawala na. Ang natitira nalang na kabuhayan namin ngayon ay ang resort. Dahil sa mga nangyaring iyon sa amin madami akong natutunan at narealize, dapat makuntento ka sa kung anong meron ka.
Huwag ka na maghahangad ng higit pa. At dapat huwag aabusuhin ang ano mang yaman na ibibigay sayo. Matitinding pagsubok nanaman ang napagdaan ko at ng aking pamilya pero hindi yun ang dahilan para sumuko kami.
Pinilit naming maging matatag at labanan ang mga pagsubok ng magkakasama. Hindi man kami mayaman ngayon tulad ng dati ang mahalaga sama sama pa din kami. At pinapangako ko sa sarili ko na magtatapos ako at magsusumikap upang ibangon ulit ang aming kabuhayan.
Gusto ko na dumating yung time na ako naman magsisilbi at mag-aalaga sa aming mga magulang at bayaran ng pagmamahal, alaga lahat ng ginawa nila para sa akin at para sa amin. Gusto kong pagtanda nila ay pa relax relax nalang sila at gawin at bilin nalang nila ang ano mang gustuhin nila.
Magsusumikap ako mabuti. Para sa akin, sa pamilya ko at sa mga taong malapit sa akin. Hindi ako gagaya sa dalawang ate ko na maaga nag-asawa. Sabi ko nga sa kanila makatapos lang ako at makahanap ng magandang trabaho ay tutulungan ko sila. Hanggang kaya ko. (hehe)
By the way, bata pa ako ay malapit na ako sa mga tao at kaibigan. Kahit na bagong kakilala ko palang makausap ko lang sandali ay nakakasundo ko na agad. Ako yung tipo ng tao na hindi mahirap pakisamahan, masayahin ako, malambing, mapagkakatiwalaan, mapagmahal, maalaga atbp.
Mas gusto ko na kilalanin muna ako bago husgahan kasi hindi naman ako masamang tao. Sabi ng nakararami mabait daw akong tao. Hindi man ako perpekto isa lang ang sinisigurado ko, kapag ako ay nagmahal at nagpahalaga ng sino mang tao lalo na kaibigan lahat ginagawa ko hanggang kaya ko, lahat ng kaya kong itulong ay ginagawa ko.
Mapasaya lang yung mga taong malapit sa akin. Ako din pala yung tao ng sobrang haba ang pasensya, hanggang kaya ko intindihin ang bagay bagay o ang tao ay iintindihin ko. Kadalasan, kapag galit ako, naiinis, nasasaktan, nagtatampo, masama ang loob ay tahimik lang ako.
Pero sabi nga nila walang taong hindi marunong magalit, sobrang bihira ako magalit o pumatol pero kapag talagang napuno ako at naramdaman kong inaabuso na ang kabaitan ko ay nag-iiba ako. Nagiging masama ako sa taong yun at lahat gagawin ko masaktan lang yun.
Pero minsan lang. Kadalasan ang kinagagalit ko lang naman ay kapag sinasaktan o dinadamay ang mga taong mahal ko lalo na ang pamilya ko. Ano pa ba masasabi ko sa sarili ko? Kapag masama ang pakiramdam ko madalas hindi ko ito sinasabi sa sino man tinitiis ko lang kahit minsan ay mahirap na kasi ayoko maging pabigat o may maapektuhang iba.
Basta kinagawian ko ng di magsalita o piliting makisaya padin sa mga kasama ko kahit masama na pakiramdam ko. Inaamin ko na gaya ng ibang kabataan ay my mga kalokohan din ako tulad ng natuto akong uminom ng alak minsan nga sobra na.
Pero noon yon kasi ngayon naumpog na ako nalaman kong mali pala iyon. Pero kahit minsan hindi ko sinubukang mag-drugs o manigarilyo. NEVER! Inaamin ko na mula bata palang ako ay medyo perwisyo na ako lalo na sa pamilya ko dahil talagang hikain ako.
Pero ngayon naman na malaki na ako ay bihira na akong hikain kumpara dati. Isa pa pala na masasabi kong katangian ko ay kahit ganong kasama ang nagawa sa akin ng isang tao magpakita at mag sorry lang ito ay agad ako napapalambot.
Ako yung tipo ng tao na malambot ang puso. Masasabi ko din na mayaman ako sa “KAIBIGAN” siguro kung ang kaibigan ay pera sigurado ako mayaman na ako ngayon. (hehe) Sadya na ata akong pinanganak ng malapit sa tao. Kasi mabilis talaga ako makakuha ng kaibigan.
Halimbawa kahit hindi ko kakilala kahit pasahero lang na nakasakay ko at nakausap ay nagiging kaibigan ko agad. Madaldal kasi ako tsaka makulet kaya ayun mabilis ko makasundo ang karamihan. Basta mahirap i-explain ang masasabi ko lang masaya ako dahil ako ay ako.
Madaming nagmamahal sa akin dahil ganto ako. Madami na akong tao na napagbago. (for better) Ano pa ba ang mga karanasan ko habang lumalaki? Ahh.. ayon ng bata pa lamang ako mahilig na ang pamilya ko sa pag alis at pagpunta kung saan saan kaya marami na akong lugar na napuntahan.
ako at ang mga kaibigan ko sa MCA |
Nung 1st year high school ako sa st. Francis of asissi college ako pumasok, apat lang kami magkakaklase noon. Medyo nakakaboring kasi napaka konti pero ayos lang kahit paano naman ay naging masaya din ako. Nung 2nd year high school naman ako ay sa Trace college ako pumasok pero 2 months bago matapos ang pasukan ay nagdrop ako dahil nagkaroon ako ng medyo mabigat na karamdaman na humantong sa halos manganib na ang aking buhay.
Thanks God kasi binigyan niya pa ko ng chance mabuhay ulit. 1 ½ year akong natigil sa pag-aaral. Nang 15 years old na ako ay bumalik ako sa pag-aaral 2nd year high school ulit sa Maranatha. Christian school siya kaya halos lahat ng pumapasok don ay makadiyos at talagang ang pag-aaral ang priority.
3rd year high school sa Maranatha din ako pumasok. 3rd year high school dun ko naramdaman yun talagang kasiyahan ng high school life. Madami akong napagdaanan at kalokohan dun na siya namang nagpapasaya sa karamihan.
ayan kami ni meriel. MASAYA! :D |
ayan ang barkadahang masasaya |
Nung 4th year high school ako sa Dizon High na ako pumasok sa San Pablo, City. Masakit sa akin nung una ang mga unang araw ng pagpasok ko sa eskwelahang iyon.
Kahit may mga taong nakipagkaibigan at nakipag-usap sa akin iba parin sa pakiramdaman. Hindi ako sanay, hindi naging madali ang pagpasok ko doon dahil nalaman ko na madami pala agad ang humusga sa akin kahit hindi pa ako nakikilala.
ako at ang yhabz ko na si sara |
Pero ayos lang dahil sa pangyayari na iyon ay naging matalik kong kaibigan yung na kaaway ko na yon c “JHAMILLE”, naging malapit sa akin at ngayon ay laging nasa tabi ko at hindi ako iniiwan.
Isa pang tao na di ko malilimutan at napalapit sa akin at napamahal na kahit kailan di din ako iniiwan at pinapabayaan kahit minsan di kami nagkakaintindihan ay si "SARAH ALMEDA" ang aking yhabz.. (hehe) Love na Love ko din yan eh.. Di ko inaasahan na magiging malapit at close kami kasi dati asaran lang kami nan tapos medyo naiinis pa ko dati kasi ang lakas mang asar. (hehe)
Yun pala mabait naman. (ehem) basta mahalaga sa akin yan. At lahat ng naging part ng 4th year life ko ngayon the best! :) di ko malilimutan kahit madaming napagdaanan naging masaya naman ako dahil sa mga taong to. mica, jam, meriel, rhaya, lily, sarah, pepz, jowin, crisna, elaine, eunice, quibz, honey, jhen, khyle, jocy, vhec, salac, kaizzle, michelle, at madami pang iba.
Kung dati ay iniiyakan ko yung dati kong school yung Maranatha ngayon naman yung Dizon high ang iniiyakan ko dahil ayoko ng lumipat pa ulit. Madami ako natutunan at nakilala sa Dizon na siya naming nagpasaya at nagbigay kulay sa buhay ko.
yn ang "BESTFRIEND" ko! Love q yn! :) |
At sa hindi inaasahang panahon at pagkakataon nagkaroon ako ng “BESTFRIEND” (mica recio) na talagang mahal ako, inaalagaan at di pinababayaan at iniiwan. sobrang mahal na mahal ko yang bestfriend ko na yan.
Masaya ako pag kasama ko siya, kahit puro kabaliwan at katangahan ang aming pinaggagagawa lagi. Masaya ako kasi hindi niya sinabing baguhin ko yung kung ano mang maling mga ginagawa ko pero dahil sa kanya kusa ako nagbago.
Thankful din ako kasi di niya ko iniiwan sa lahat ng bagay at oras lagi siyang andyan para pasayahin ako. ayun basta masaya ako. (hehe) Siya yung isa sa pinaka magangdang nangyari saken sa buhay ko especially sa high school life ko.
Sobrang thankful ako at di nagsisi na pumasok ako ng dizon, di man laging masaya, madami mang gulo at away ang barkada ang mahalaga mahal namin ang isa’t isa. At dito nalang muna nagtatapos ang aking talambuhay. (hehe)
No comments:
Post a Comment