ANG AKING TALAMBUHAY
Ako si Fernan V Piolino ako ay anak ng mag-asawang Gloria at Herminigildo Piolino dati kaming naninirahan sa Legaspi Albay sa Bicol at doon ako ipinanganak,noong june 22 1994 ang aking tatay ay dating nagtuturo ng karate sa Bicol pero dahil na rin sa katandaan tumigil na lang siya at lumipat nga kami ditto sa San Pablo ang aking nanay ay naglalabandera at ang aking tatay naman ay isang tricycle driver.Ako ay bunso sa labing-isang magkakapatid pero lahat sila ay aking kasundo pero minsan hindi maiiwasan ang tamapuhan naming mag kakapatid hindi kasi masyadong masipag ang aking tatay kaya kami maunti pero kahit ganun ang aking tatay ay isang mabuting ama sa amin at siya ay walang bisyo kundi ang magmahal pero ang aking mga kapatid ay lasinggero ang sabi nalang ng tatay ko baka mamana ng aking mga kapatid ang pag-iinom sa aking lolo,dahil ang aking lolo ay namatay dahil lang sa alak dahil inaraw-araw niya ang pag-inom at hindi pa nakakakain ng tama.yun ang sabi ng aking tatay.
Noong ako ay anim na taong gulang ako ay napasok na sa ika-unang baitang sa Placido Escudero Elementary School ako ay puro laro non pero hindi nagpapabaya sa pag-aaral ko.Noong nagkaroon ng kamping sa school ako ay sumama at doon natulog nagkawalaan pa nga ng unan dahil puro salaw ang aking kasama dahil mga bata pa naman kami non,puro laro at asaran ang ginawa buong gabi,at nong umaga na puyat kasabay ang pagkain ng umagahan,at pagkauwi ko ng bahay diretso tulog.Marami akong naging karanasan at naging kaibigan sa buhay ko sa elementarya at sila ay hindi ko makakalimutan kahit na ang aking mga kaaway pero hanggan huli ay kaibigan ko narin.
Kami ay nagpaparactice na ng graduation sa elementarya ako ay kinakabahan ewan ko kung bakit basta kabado lang ako,nakakalungkot dahil maiiwanan ko ang aking mga naging kaibigan at na ka close ko pero ayos dahil nakikita ko pa naman sila at noong graduation na nga halos lahat ng mga kaklase naming babae at binabae ay napaiyak habang kumakanta ng glowing of love habang inaabot sa amin ang diploma ako ay tuwang-tuwa dahil sa highschool madadagdagan na ang aking baon at sa wakas makakapag highschool na YES!!!
Noong ako ay nagpapaenrol na sa paaralan ng CLDDMNHS nalungkot ako dahil hindi na nila ako tinanggap dahil masyado na raw siksikan at puno na raw kaya tumigil muna kami ng aking kapatid na babae,ako ay walang ginawakundi tambay lang noong ako ay tumigil sa pag-aaral pero noong kaming dalawa ay nakapasok na at siya ay nasa ika-dalawang taon sa highschool at ako ay nasa ika-unang taon sa highschool Masaya rin ang aking naging laranasan noong 1st year ako kaso masyado lang akong nawili sa pagcocomputer kaya laging ubos an gang aking pera at kasama narin doon ang pagbibike sa lake kasama ang aking mga kaibigan basta yaya ng aking mga kaibigan agad akong nasama sa kanila kahit nakakapag-cutting na ako ng aking mga kaklase minsan nalaman ito ng aking mga magulang at sinabi sa akin na pag raw ako ay bumagsak hindi na raw nila ako pag-aaralin at ang sabi pa nila yun lang raw ang maipapamana nila sa akin ang karunungan sa pag aaral dahil hindi naman kami mayaman kaya pinagbuti ko nalang pero hindi maiiwasan na mag-cutting dahil sa mga kaibigan.
Noong nagbabakasyon madalas akong wala sa bahay kami ay nagswimming ng aking mga kaibigan kaya madalas din akong napapagalitan,dahil umuuwi akong basa kaya minsan din ako laging may sakit pero ayos lang dahil andyan naman ang aking nanay na nag-aalaga sa akin.Hindi niya ako pinababayaan.Summer din noon nung muntik na kaming malunod na magkakaibigan dahil napatalon yung isa naming kasama hindi naman pala masyadong marunong lumangoy kaya nagpanik kami at napatalon kami sa tubig para iligtas ito kaso lang nahila kami at hindi makalangoy buti nalang at umabot kami sa dulo at nakaligtas at buti nalang walang namatay sa amin
Ako ay naging 2nd year na meron mga bagong kaklase pero mas madame ang dati kong kaklasenoong ako ay 1st year pa lamang kaya hindi rin napigilan ang pagpunta sa lake at pagcocomputer at ngayong 2nd year,ako ay merong napupusuan kung baga crush lang pero hindi ko niligawan hanggang tingin at sulyap lang ako sa kanya pero nalaman nya kaya parang nahihiya na rin sya at nahuhuli nya ako minsan na tumitingin sa kanya kaya hilig naman ako kahit papaano kaso tumigil siya at hindi na pumasok dahil siguro sa problema sa pamilya kaya bilik pag-aaral nalang ako at palagi parin akong napapagalitan ngayon kasi ginagabi ako ng uwi dahil sa paglalaro ng online games,ang palusot ko nalang sa kanila ay may ginawang project o kaya takdang aralin kaya pinapabayaan nalang nila ako at nang naging 3rd year naman ako natuto akong uminom dahil rin ito sa aking mga kabarkada akala ko kakain lang kami sa isang pagdiriwang yun pala may kasama na itong inuman kaya hindi na ako nakatanggi buti nalang at hindi ako nahalata ng aking mga magulang dahil pagkadating ko sa bahay ay agad akong natulog hindi na ako kumain nagtaka ang aking nana yang sabi ko nalang sa kanya ana kumain na ako kahit hindi pa pero kahit naganon hindi ako hindi ko pinabayaan ang aking pag-aaralkaya hindi narin ako nagsasama sa aking mga kaibigan na ngayon ay tumigil na sa pag-aaral dahil siguro nalaman ng kanilang mga magulang na hindi na sila napasok sa paaralan at nagbubulakbol lamang
My truly friends |
ang aking mga kaibigan na walang kupas |
"picture sa computer shop" |
"my elementary classmate" |
"fearless 4-f 2011..show time" |
No comments:
Post a Comment